|
Yeah right. Natatawa ako sa expression(?) na yan. Parang tanga. HAHA. Pano nung Tuesday kasama ko si Kriz sa Metropoint, papunta na kami ng LRT tapos bago kami makalabas ng metropoint may couple dun na nagaaway. ‘Yeah Right’ daw sabi nung babae tapos nung papasok na kami ng train, ‘yeah right’ na naman kaya tawa kami ng tawa ni Kriz ayun. Yarayt naman ang sa amin tsaka wateber.
Hindi pa rin nga pala ako nakakapag-move on. Hindi ko pa alam kung kailan at kung paano. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para makalimutan ang mapait na nakaraan. Ano ba ang mga kailangan kong gawin? Tsk. Ang hirap talaga kapag mayroong isang tao/bagay na sobrang halaga sayo at bigla-bigla na lang mawawala ng hindi mo alam. Ang sakit. Tangina talaga ng mandurukot na yun. Leche.
Nagquiz kami sa Chem Lab tsaka Chem Lec kanina. Hehe. Natutuwa ako kasi parang ewan lang. Nasagutan ko tsaka parang ako yung naging ’source’ ng mga sagot kung bakit naka-perfect yung iba kong kaklase. Pero okay lang naman. Share your blessings nga naman eh. HAHA. Nakakulitan ko nga pala si Kuya Aaron, paano pinagttripan nila ako ni Ralph. Two-timer daw ako. Taena. Nakita kasi nila yung singsing ko. Eh dalawa yun na magkatabi, sabi nila yung isa daw, para sa isang bf tas yung isang ring, dun naman daw sa isa. ANg kulit nga eh, Ayaw akong pagpaliwanagin eh si Kriz lang naman yung dalawa na yun. Sus. Yung isang ring kasi, binigay ni Kriz sakin yun noong First Monthsary namin, October 13 2005. Oh diba? Tapos yung isang ring February 3, 2006 naman. Yun yung isinuot niya sa akin sa Wedding Booth. Hehe. Ayun. Hindi man lang ako pinakinggan nung mga yun. KALOKA. Nakasabay ko rin siya papuntang LRT Buendia. Naikwento ko na rin yung tungkol sa Canada. Haha. Nagulat din tapos sabi niya “Kung aalis ka rin pala, edi ilibre mo na ako” Haha. Baliw.
Nakita namin sila Alvin kanina sa Victory Mall. Kasama girlfriend niya. Hehe. Ang cute talaga ng gf niya. Hehe. Ganun pa rin si Vin. Namiss ko yung ex-busmate ko. Tsk. Nakakamiss ang Saudi. Mamimiss ko si Kriz pag-nagmigrate na kame. Sana makayanan namin. Kasi nakayanan naman nila Ally and Noah eh.
Buti na lang at 10am pasok ko bukas tapos Filipino, Theo at Algebra lang. Di boring. Pwede akong matulog ng late. HAHA. Ge, cherva na ako.
|
NOIME B. 15 SWEET 16. ♥ God, Family, Kriz & Friends. » Nicholas S. Sensitive.
      
Login here.
Register here.
  
|